Barangay Kagawad at miyembro ng criminal group, arestado dahil sa pagtatago ng loose firearms sa Misamis Oriental at Capiz

Handcuffs

Huli ang isang Barangay Kagawad at miyembro nang criminal group sa ikinasang magkahiwalay na operasyon ng Philippine National Police – Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) sa Misami Oriental at Capiz.

Kinilala ang nadakip na Brgy. Kagawad na si Prescelo Apugan Jr., na nakuhaan ng isang caliber 45 ARMSCOR pistol, dalawang steel magazines, anim na rounds ng ammunition at isang sling bag.

Nahuli ito ng mga pulis sa Purok 2, Brgy. Pahindong, Medina, Misamis Oriental.


Habang isang Nary Armada, alyas Boyet ang inaresto naman sa Sitio Site, Brgy. Bolo, Roxas City, Capiz matapos makuha sa pag-iingat nito ang isang caliber .38 snub-nose revolver, at limang rounds ng ammunition.

Sa ngayon, ang dalawa ay kapwa nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.

Facebook Comments