9 mula sa 29 na pulis na kinasuhan kaugnay ng kontrobersyal na 990-kilo drug raid ang pinaghahanap pa ngayon ng pulisya.
Sa pulong balitaan sa Kampo Crame, sinabi ni Philippine National Police (PNP) Spokesperson Police Brigadier General Jean Fajardo, apat dito ang aktibo pa sa serbisyo, tatlo ang retired, isang resigned at isa ang dismissed from the service.
Kabilang sa 9 na hinahanap ang dalawang dating PNP generals.
Kinumpirma rin ni Fajardo na isa sa heneral ang nakalabas na ng bansa noong January 8 bago pa ilabas ng korte ang unang warrant of arrest kaugnay ng kasong paglabag sa Comrephensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Wala pa rin aniyang surrender feeler mula sa dalawang dating opisyal.
Sa ngayon, patuloy ang panawagan ng PNP sa mga sangkot na sumuko at harapin na lamang ang kanilang kaso sa korte.