
Itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si former Department of Transportation (DOTr) Asec. Jorjette Aquino bilang Undersecretary ng Presidential Communications Office (PCO).
Si Aquino ang papalit kay USec. Cherbett Karen Maralit sa naturang pwesto.
Ayon kay PCO Acting Secretary Cesar Chavez, tututukan ni Aquino ang rationalization plan and digitalization ng PTV4 sa ilalim ng Japan International Cooperation Agency (JICA) assistance, gayundin ang iba pang government state-controlled media.
Bago italaga sa naturang pwesto, si Aquino ay nagsilbing technical staff at Assistant Secretary for Rails ng DOTr.
Facebook Comments