General overhauled na LRVs ng MRT-3, tumatakbo na sa linya

Tumatakbo na sa mainline ang general overhaul na Light Rail Vehicles (LRVs) ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) na binubuo ng isang train set na may tatlong bagon.

Dagdag ito sa 22 train sets na napapakinabangan ng mga pasahero.

Kabilang dito ang 19 CKD train sets at tatlong Dalian train sets na operational at tumatakbo sa linya ng MRT-3.


Matatandaang nagsagawa ng simulation run ang pamunuan ng MRT-3 para sa mga bagong overhaul na mga bagon na pinatatakbo na sa bilis na 50kph.

Target na mas mapabilis pa ang takbo ng mga tren hanggang 60kph pagdating ng Disyembre 2020.

Sa kasalukuyan, ang bawat train set ay maaaring magsakay ng 372 na pasahero o 124 pasahero kada train car o 30% ng kapasidad nito.

Facebook Comments