Top 1 Most Wanted Person ng NCRPO, arestado sa Aklan

33

Kalibo, Aklan – Arestado ng mga otoridad ang Top 1 Most Wanted Person ng NCRPO sa kasong pagpatay sa Brgy. Jalas, New Washington, Aklan noong Martes ng gabi, Nobyembre 3, 2020.
Kinilala ang akusado kay Jimwel Alima Abarra, 21-anyos, tubong #134 Mayo 28 St., Brgy. 998, Sitio Puso, Sta Ana, Metro Manila at isang part time caretaker ng isang palaisdaan kung saan sya nahuli.
Naaresto si Abarra ng pinagsanib pwersa ng Regional Itelligence Unit (RIU) 6, New Washington MPS, NCR at MPD –NCR sa pamamagitan ng Warrant of Arrest sa kasong Murder na may Criminal Case No. R-MNL-20-01120-CR na inisyu ni Hon. Renato Z.Enciso, Presiding Judge of National Capital Judicial Region, RTC Branch 12, Manila NCR na may petsang February 12, 2020.
Walang piyansya na itinakda ang korte para sa kanyang pansamantalang kalayaan.
Sa ngayon ang nasabing akusado ay nakatakdang dalhin sa Manila para iturn-over sa korte.

Facebook Comments