General Services Office ng Ilagan, Abala sa Malalaking Aktibidad sa Buwan ng Mayo!

Ilagan, Isabela – Magiging makulay ang City of Ilagan sa susunod na buwan ng Mayo dahil sa mga malalaking aktibidad na isasagawa. Ito ang naging pahayag ni Ilagan General Services Officer Ricky Laggui sa RMN Cauayan.

Aniya pinaghahandaan na sa ngayon ng LGU Ilagan ang Mammangi Festival sa darating na ika apat hanggang ika walo ng Mayo kung saan magkakaroon ng Trade Fair, Bazaar, mga Kainan, Banda, Mammangi Bauty Pagent, at ang pagdating ng ibat ibang artistang aaliw sa lahat ng mga bisita ng City of Ilagan.

Kabilang umano sa mas higit na paghahanda sa mga tourist attraction sa City of Ilagan na dinadagsa hindi lamang sa panahon ng festival kundi sa mga ordinaryong araw.


Sinabi pa ni GSO Laggui na kabilang sa makulay na aktibidad ay ang pinakamalaking Sports Event na gaganapin sa ika labing siyam ng Mayo ngayong taon at ito ay ang Dance Concert o Zumba concert.

Samantala gaganapin naman sa katapusan ng Mayo hanggang ika apat ng Hunyo ang Ayala Philippines Athlethic Championship kung saan ang City of Ilagan ay tinaguriang Sports National Hub.

Facebook Comments