Mekaniko, Arestado sa Pang-Aabuso!

Cabagan, Isabela – Nadakip na ng PNP Cabagan ang lalaking may kasong Paglabag sa RA 7610 o Anti-Child Abuse Law kahapon, Abril bente tres taong kasalukuyan sa barangay Magassi, Cabagan, Isabela.

Kinilala ang nadakip na si George Dela Fuente, trentay tres anyos, may-asawa, isang mekaniko at residente ng naturang barangay.

Si Dela Fuente ay dinakip ng PNP Cabagan sa bisa ng Mandamyento de Aresto ni hukom Felipe Jesus Torio II ng RTC Branch 22, Cabagan, Isabela dahil sa kaso nitong Pang-aabuso.


Nasa kamay na ng PNP Cabagan si Dela Fuente at pansamantalang makakalaya kung ito ay makakapaglagak ng piyansang dalawang daang libong piso.

Facebook Comments