GENERALLY PEACEFUL | Barangay at SK election, naging mapayapa – PNP

Manila, Philippines – Mapayapa at ligtas ang isinagawang Barangay at Sangguniang Kabataan Election (May 14, 2018).

Ito ang pangkalahatang pagtaya ng Philippine National Police (PNP).

Ayon kay PNP Spokesperson Police Chief Supt John Bulalacao, isolated cases lamang ang mga natangap na report ng National Election Monitoring Action Center (NEMAC) sa Camp Crame.


Sa report ng NEMAC mayroong 47 hinihinalang mga election related violence incidents; pito pa lamang dito ang kumpirmadong may kinalaman sa eleksyon.

Sa mga insidenteng ito, 35 indibidwal ang naitalang namatay, 2A7 ay sugatan.

Nakapagtala naman ng 1,350 indibidwal na naaresto dahil sa ibat-ibang paglabag may kinalaman sa eleksyon katulad ng vote buying, 48 hour liqour ban, at pagdadala ng baril, pampasabog at mga matatalim na bagay.

Kabuuang 1,157 mga baril ang nakumpiska sa mga naarestong lumaba sa gunban.

Dagdag pa ni Bulalacao na ipu-pull out ang mga pulis sa paligid ng mga polling centers pagkatapos ng bilangan.

Magtatagal naman aniya ang election period hanggang May 21, 2018.

Facebook Comments