Genetic traces ng COVID-19, natuklasan noong nakaraang taon sa Italy

Nadiskubre ng mga eksperto na Disyembre pa lamang ng nakaraang taon, ay may COVID-19 na sa Italy.

Batay sa mga pag-aaral ng experts sa National Institute of Health, nakita ang genetic traces ng Coronavirus sa mga tubig noon pang nakaraang Disyembre.

Ayon sa water expert na si Giuseppina La Rosa, sa 40 samples, nagpositibo sa virus ang mga waste water na kinuha nila sa Bologna nitong Oktubre hanggang Pebrero.


Dahil dito, naniniwala ang ahensya na posibleng maraming mga bansa na ang tinamaan ng virus bago pa magsimula ang kasalukuyang taon.

Facebook Comments