Mga pulis na nagpositibo sa COVID-19, patuloy na tumataas

Nadagdagan pa ng anim ang bilang ng mga tinamaan ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa hanay ng Philippine National Police (PNP).

Ayon sa PNP, aabot na sa 456 ang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng virus sa kanilang hanay.

Sa kabila nito, patuloy namang tumataas ang bilang ng mga recoveries o gumaling na sa sakit kung saan nasa 276.


Sa ngayon, nasa 673 pulis pa ang itinuturing na probable case habang nasa 884 naman ang inilagay sa suspected cases.

Habang nananatili namang pito ang kabuuang bilang ng mga pulis na nasasawi sa nakahahawa at nakamamatay na virus.

Facebook Comments