Panghimagas – Isang kakaibang apple ang naimbento ngayon na hindi basta-basta nagkukulay brown matapos mo itong hiwain o kagatin.
Sinsabing na-develop ng Canadian Company Okanagan Specialty Fruits ang kauna-unahang genetically engineered apple sa buong mundo kung saan mabibili na ito ngayon sa mga grocery stores sa buong mundo.
Inabot pa ng 20 taon ang nasabing kumpaniya para masusing pag-aralan kung papaano mapapatagal ang pagka-kulay puti ng loob ng apple matapos na ito ay hiwain.
Wala din daw dapat ikatakot ang mga gustong matikman o kainin ito dahil wala naman itong laman na gamot o special ingredients na nakakasama sa kalusugan ng tao.
Tulad din ng karaniwang apple, siksik-liglig din daw ito sa vitamin c at antioxidants.
Facebook Comments