20 percent discount para sa mga estudyante, maari na ring magamit kahit walang pasok

Manila, Philippines – Nilagdaan na ni Land Transportation Franchising and Regulatory Board Chairman Martin Delgra ang memorandum circular na nagpapalawig sa 20 percent discount para sa mga estudyante.

Base sa nasabing memorandum circular, simula sa October 28 (Sabado) magagamit na ng mga mag-aaral ang 20 percent fare discount sa lahat ng mga pampublikong mga sasakyan kahit na weekend, holidays at summer break.

Hindi naman sakop ng nasabing diskwento ang mga post-graduate student tulad ng mga kumukuha ng medicine, law at iba pang mga masteral at doctorate degrees.


Magiging epektibo ang kautusan makalipas ang labing limang araw makaraang mailathala ang mga nilalaman nito sa mga pahayagan.

Facebook Comments