Sa pamamagitan ng liham na ipinadala ni Elisabeth Decrey Warner, Executive President ng Geneva Call ay ipinaabot nito ang kanilang pagbati sa pamunuan ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa pagkakatanggal ng organisasyon sa listahan ng UN na nangre-recruit ng child warriors.
Nakasaad umano sa sulat ni Warner na sa pamamagitan ng mga pagsisikap at mga hakbang ng MILF at natamo ang nabanggit na tagumpay.
Batid umano ng Geneva Call na kauna-unahan ang MILF sa mga armadong grupo na nakapagsagawa nito at magsisilbi silang halimbawa sa iba pang kilusan.
Matatandaang inanunsyu ng UNICEF na ang MILF ay nagpalaya ng kabataang nasangkot sa kanilang armed wing na nagtuldok naman sa recruitment at paggamit ng child warriors.
Halos 2,000 mga bata ang tinanggal na bilang mga miyembro ng MILF Base sa report ng UN secretary general nitong Agosto.
Geneva Call, binati ang MILF sa pagkakatanggal sa listahan ng UN ng mga armadong grupong gumagamit ng child warriors!
Facebook Comments