Genome surveillance, dapat paigtingin sa harap ng banta ng Omicron variant

Posibleng mas mabilis na makahawa ang Omicron kumpara sa Delta variant ng COVID-19.

Ayon kay Dr. Jomar Rabajante, tagapagsalita ng UP Pandemic Response Team, ito ay batay na rin sa mga datos na naitala sa South Africa kung saan unang na-detect ang Omicron variant.

Batay sa kanilang projection, posibleng sa loob lamang ng isa hanggang tatlong buwan ay makikita na ang pagtaas ng kaso dahil sa Omicron na mas mabilis kumpara sa Delta na aabutin pa ng tatlo hanggang apat buwan.


Kaugnay nito, iminungkahi ni Rabajante ang mahigpit na papapatupad ng genomic surveillance lalo na sa mga biyaherong manggagaling sa ibang bansa.

Paliwanag niya, maaari pa ring makalusot sa Pilipinas ang bagong variant lalo’t sakop lang naman ng travel ban ng gobyerno ang mga bansang nakapagtala na ng kaso ng Omicron.

Bukod dito, dapat din aniyang paigtingin ang testing, contact tracing at pagbabakuna habang dine-delay ang posibleng pagpasok sa bansa ng Omicron variant.

Facebook Comments