Gensan-Balik Normal na matapos ng 7.3 magnitude na lindol

General Santos City—Balik normal na ngayon ang sitwasyon dito sa lunsod ng gensan matapos ang 7.3 na lindol kaninang 4:23 ng madaling araw.
Sinabi ni Dr. Bong Dacera, Action Officer ng Gensan na maliban na isang lumang building na nawasak malapit sa Palengke ng gensan at salamin na nabasag sa City Mayors Office ay wala nang ibang naapektuhan.
Bumalik narin sa kanikanilang bahay ang mga residenti ng mga coastal area’s dito sa lunsod, matapos binawi ng Phivolcs ang tsunami warning kaninang umaga.
Habang sa Sarangani naman –ina-assess na ng Sarangani Provincial Disaster Risk reduction and management Council ang bitak sa Glan Port sa isa rin sa naapektuhan ng lindol.
Base sa interview ng rmn gensan kay Rene Punzalan, PDRRMO Action Officer ng Sarangani, may lapad na 6 Inches ang nasabing bitak. Samantala, may iba pang mga residenti na malapit sa baybayin ng sarangani bay ang hindi pa bumalik sa kani-kanilang bahay dahil sa takot na magkaroon ulit ng pag-uga.
Sa ngayon nakapagtala na ng mahigit dalawampong mahihinang aftershocks ang Phivolcs gensan na nananatiling nakaantabay sa kanilang earthquake Bulletin.

Facebook Comments