GENSAN BOMBING | Pagsabog sa GenSan, kinondena ng Malacañang

Mariin kinondena ng MalacaƱang ang nangyaring pagsabog sa General Santos City na ikinasugat ng ilang katao.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, nakakalungkot ang insidente lalo at sumabay pa ito sa pinsalang idinulot ng typhoon Ompong.

Aniya, ginagawa na ng lahat ng mga awtoridad ang masusing imbestigasyon kasabay ng pagtiyak na mananagot sa batas ang mga salarin.


Matatandaang nangyari ang pagsabog ilang linggo pagkatapos ng dalawang pagsabog sa Isulan, Sultan Kudarat.

Facebook Comments