General Santos City—Pinaghahandaan na ng Gensan City Police Office ang pagdating ni Pangulong Rodrigo Duterte dito sa Gensan ngayong araw.
Daan-daang mga police mula sa Gensan City Police office at Police Regional Office 12 ang idineploy sa buong lunsod para masiguro ang seguridad ng pangulo.
Ayon kay Police Col. Aden Lagradante, City PNP Director ng Gensan City Police Office hindi naman kumpermado kung anong oras dadating ang pangulo sa Gensan, pero kahapon palang ng hapon ay nakaposisyon na ang lahat ng mga police na magbabatay sa seguridad ng buong Gensan.
Napag-alaman na pangunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbigay ng Certificate of Land Ownership Award sa aabot ng 13,000 agrarian reform beneficiaries sa General Santos City na gagawin sa Gensan City Gymnasium.
Aabot naman sa 24,000 hectares na lupa ang mapupunta sa 13 libong mga binipisyaryo.
Kung matatandaan na una nang nagpalabas ng Executive Order number 75 si Pangulong Duterte noong February 15,2019 kung saan inutusan nito ang lahat ng ahensya ng goberno na maghanap ng lupa na pagmamay-ari ng goberno nga pwedeng gamitin sa agrikultura para ibigay sa mga kwalipikadong benepisaryo.