Gensan, hindi magpapatupad ng curfew

Gensan, Philippines – Hindi magpapatupad ng curfew ang Local Government Unit ng Gensan kahit na nagdeklara ng martial law si Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ang iginiit ni Gensan City Mayor Ronnel Rivera kasabay ng isinagawang press conference kahapon sa City Mayors Office Conference Room.

Sinabi ng alkalde na walang rason na mag matupad ito ng curfew dahil nananatiling peaceful ang lunsod.


Kampante din si Mayor Rivera sa ipinapatupad na siguridad ng PNP at ng Joint Task Force Gensan sa buong siyudad.

Hindi din ito mag papatupad ng lock down dahil hindi na kinakailangan.
Samantala pinaalalahanan lang ng alkalde ang mamamayan ng Gensan na maging mapagmatyag at alerto lang sa lahat ng oras at agad na isumbong sa pulisya kung mayroong mga kaduda-dudang tao na dumating sa kanilang lugar.
DZXL558,Rose Sioco

Facebook Comments