Dalawa katao, arestado sa check point matapos nakunan ng baril

115

General Santos – Arestado ang dalawang lalaki matapos nakunan ng baril sa check point na ipinatupad ng Polomolok Municipal Police Station sa National Highway ng nasabing bayan.

Unang naaresto si Jorie Temola, 47, residenti prk 1, barangay Pagalungan Polomolok alas 5:00 ng hapon nuong Miyerkules habang alas 11:30 ng gabi naaresto naman si Rene Dela Cerna residenti din ng Polomolok.


Sinabi ni PO3 Engilbert Cuenca, imbistigador ng Polomolok PNP na walang ipinakitang dukumento ang dalawa sa kanilang mga bitbit na baril kaya sila ay dinakip.

Nahaharap ngayon ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 10591 matapos silang nakunan ng mga baril.

Ang dalawa ang pinakaunang nasampulan sa ipinatupad na mas pinaigting na check point sa bayan ng Polomolok.
DZXL558, Rose Sioco

Facebook Comments