General Santos City- Magandang Gensan-Ang lungsod ng Heneral Santos ang magiging hosts sa pinaka-unang BIMP- EAGA cultural festivals na kung saan aabot sa 400 national at international artists ang ipapakita ang kanilang makukulay na kultura sa rehiyon o ang mas tinawag na Budayaw Festival sa darating na Setyembre 20-24 nitong taon.
Ayon kay Jane Gollon- Rivera, ang chairperson ng GSC Tourism Council na pinaghahandaan na nila ngayon ang mga events ng nasabing festival kung saan ang lahat ng malls, school gyms, at iba pang event centers ng Gensan ang makikita ang mga iba’t-ibang musical concerts, cultural shows, art exhibits, at mga lectures.
Dagdag pa nito na ang lahat na miyembro na mga bansa ng BIMP-EAGA tulad ng Brunei, Indonesia, Malaysia at Pilipinas ang magpapakita ng mga ibat-ibang kultura ng sayaw, musika, artworks at tradisyon.
Nanawagan naman ang first lady ng GEnsan na maging hospitable, at dapat mainit ang pagtanggap ng mga Generals sa mga bisitang dadayo sa syudad.
Nakahanda na rin ang seguridad, sa pamamagitan ng dobleng bilang ng security personnel’s mula sa hanay ng kapulisan sa Gensan, militar at iba.
( Bryan Lavega Oñate- RMN GENSAN)
Gensan magiging hosts ng Budayaw (International) Festival
Facebook Comments