Gensan nangunguna sa SRAA Meet 2020

Inanunsyu ni Department of Education-12 Spokesperson Antonio Maganto sa pamamagitan ng DXMY-RMN Cotabato ang bilang ng mga gintong medalya na nakuha ng mga delegado ng SOCCSKSARGEN REGIONAL ATHLETIC ASSOCIATION (SRAA) MEET na kasalukuyang isinasagawa sa Gen. Santos City.

Anya ang Cotabato city Elementary at Secondary levels ay nakakuha ng anim na ginto, ang North Cotabato ay 36, ang Tacurong City ay 29, pito ang sa lalawigan ng Sultan Kudarat, 16 ang sa Sarangani, ang Koronadal City ay nagkamit ng 26 gintong medalya, 25 naman sa Kidapawan City, ang probinsya ng South Cotabato ay nakapagtala na ng 73 gold medals, samantalang nangunguna naman ang Gen. Santos City sa dami ng nakuhang gintong medalya na aabot na sa 124.

Ang dami ng gintong medalya na nakamit ang pagbabasehan ng pagdedeklara ng over-all champion sa SRAA ayon pa kay Maganto.


Sinabi rin nito na hanggang ngayon araw na lamang ang palaro, mamayang alas 2:00 ng hapon ay isasagawa na ang awarding upang maaga ring makapagpahinga at makauwi ang mga atleta.

Ang SRAA meet 2020 ay nagsimula nitong Enero a-uno na may temang “One team, One Strong SOCCSKSARGEN.”(Daisy Mangod)

Facebook Comments