Gensan police, nag-deploy na ng personnel sa mga simbahan, malls at resort

General Santos, Philippines – Sinimulan na ng Gensan City Police Office na magdeploy ng mga PNP personnel sa lahat ng mga malls, simbahan at mga resort sa lunsod kasabay ng selibrasyon ng Kwaresma.

Sinabi ni Police Supt. Lauro Espida, spokesperson ng Gensan City Police Office na simula kahapon ay naglagay na sila ng mga personnel sa mga malalaking simbahan, mga malls at sa mga resort dahil na rin sa pagdagsa ng mga tao.

Sa Our Lady of Peace and Good Voyage Parish na siyang pinakamalaking simbahan sa Gensan ay nagsisimula na ang mga activity at nagsimula na ang pagdagsa ng mga deboto kaya mas pinaigting pa ang seguridad.


Habang sa mga resort naman ay dagsaan na ang mga bakasyonista kaya nag lagay nga mga police assistance desk ang PNP sa iilang resort na dinadayo ng mga bakasyonista para may mapuntahan sila sakaling mayroong problema sa security.

Sa ngayon kampante si Espida na magiging maayos ang paggunita ng Kwaresma sa lunsod.

Facebook Comments