Messenger, sinaksak ang sarili dahil sa depresyon

51

General Santos, Philippines – Duguan nang matagpuan ng kanyang ina ang isang messenger matapos nitong ginagsasaksak ang kanyang leeg sa loob mismo ng kanilang cr.

Alas 9:00 ng umaga nang nagulantang ang ginang na si Nelia Ferolino, na residente ng Laurel St., Barangay North Gensan nang makita nito sa loob ng kanilang comfort room ang kanyang anak na si Ian James Ferolino, na nakabulagta at naliligo ng sariling dugo matapos nitong pinagsasaksak ang kanyang sarili.

Naroon din ang kutsilyo na ginamit ng biktima sa pagsaksak sa kanyang leeg.

Agad na dinala ng ginang ang kanyang anak sa isang pribadong pagamutan sa Gensan.

Depresyon ang itinuturong dahilan kung bakit gustong magpakamatay ng biktima matapos itong iniwanan ng kanyang asawa.

Facebook Comments