Manila, Philippines – Excited na ang aktor na si Gerald Anderson sa nalalapit na Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP) na gaganapin sa August 16-22, 2017 bilang bahagi ng pagdiriwang ng buwan ng wika.
Nabatid kasi na kasama sa mga napiling pelikula ang “awol” na pinagbibidahan ng aktor na ipapalabas sa lahat ng sinehan sa buong bansa sa loob ng isang linggo.
Ayon kay Gerald, first time niyang gumawa ng pelikula na minsan lang sa ganitong klase ng okasyon at thankful siya sa Film Development Council of the Philippines at nakasama ang kaniyang action movie.
Ang pelikulang awol ang isa sa labing dalawang pelikula na napili para sa PPP kung saan kasama dito ang mga pelikulang; 100 tula para kay Stella, ang manananggal sa unit 23b, bar boys, bird shot, hamog, paglipay, patay na si Hesus, pauwi na (pedicab), salvage, star na si Van Damme Stallone at Triptiko.
Gerald Anderson, excited na sa nalalapit na Pista ng Pelikulang Pilipino matapos makasali ang kaniyang action movie
Facebook Comments