Gerald Anderson, inamin na ang kanilang relasyon ni Julia Barretto

121

Inamin na ng aktor na si Gerald Anderson na may relasyon sila ng aktres na si Julia Barretto.

Matatandaang nag-trending ang espekulasyon at lumalabas sa mga balita na may namamagitan sa dalawa.


Sa pag-amin ni Gerald sa isang talk show online, sinabi niya na si Julia na ang bagong nagpapasaya sa kaniya puso.

Hindi naman sinabi ng aktor kung gaano na katagal ang relasyon ng dalawa.

Ipinagtanggol din ni Gerald si Julia na siya umano ang dahilan ng hiwalayan nila ng dating kasintahan na si Bea Alonzo.

Hindi rin maiwasan ng actor na sisihin siya sa hiwalayan nina Julia at Joshua Garcia.



Facebook Comments