Mga Pinoy athletes, mataas ang tiyansan makapasok sa Tokyo Olympics

Posibleng makapasok sa Tokyo Olympics ang ilang mga Pilipinong atleta matapos umangat ang kanilang ranking.

Kabilang na dito ang Golf player na si Yuka Saso na nasa ika-21 pwesto at Bianca Pagdanganan na nasa ika-41 sa world ranking.

Inaasahan ding papasok ang skateboarder na si Margielyn Didal matapos umabot umano sa ika-12 ang kaniyang world ranking.


Samantala, may tiyansa ring makapasok sa Olympics ang Gilas Pilipinas matapos mag back-out ang New Zealand at magkaroon ng slot sa Olympic qualifying tournament na gaganapin sa Hunyo sa Belgrade, Serbia.

Ang Gilas ay makakasama sa Group A ng Serbia at Dominican Republic na maglalaban sa Hunyo 29 hanggang Hulyo 4.

Sa pahayag ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP), posibleng maging bahagi ng team sina Kai Sotto, at Angelo Kouame kung maaparubahan ng Senado ang pagiging naturalized player niya.

Facebook Comments