Gerald Anderson ni-like ang ‘misunderstanding post’ mula sa fans

689
Image via NicePrint Photography

Sa gitna ng spekulasyong kumakalat tungkol sa kasalukuyang estado ng relasyon nina Bea Alonzo at Gerald Anderson, ni-like ng aktor ang ‘misunderstanding post’ mula sa isang tagahanga.

Sa Instagram post ng gerald_angels nitong Linggo, mababasa sa imahe ang mga linyang “Let people judge you, let them misunderstand you, let them gossip about you. What they think of you is not your problem.”


Ayon sa mga fans, hindi na bago sa kanila makitang hinuhusgahan si Gerald dahil one-sided ang storyang alam ng bashers.

Trending pa rin ngayon sa social media sina Gerald at Bea dahil sa mensaheng pinost niya tungkol sa inulit na pagkakamali.

 

View this post on Instagram

 

“you can’t make the same mistake twice, the second time you make it, it’s not a mistake anymore, it’s a choice” ENOUGH.

A post shared by bea alonzo (@beaalonzo) on

Nadawit na rin si Julia Barretto sa kontrobersiya matapos lumabas sa internet ang umano’y sweet photos nila ni Gerald sa ginanap na birthday party ni Rayver Cruz noong Sabado ng gabi. Nitong Hunyo, inamin ni Julia na hiwalay na sila ni Joshua Garcia pero nananatiling matalik na magkaibigan.

Hindi man pinangalanan ni Bea kung sino ang pinatatamaan, ’tila tinutumbok ng aktres si Gerald nang pumutok ang isyu tungkol sa kanila ni Julia.

Matatandaang on-and-off ang relationship ng dalawa simula pa noong 2016.

Facebook Comments

From Advertisers