Ideal City of the North, Naghahanda na para sa CAVRAA 2020!

42

Cauayan City, Isabela- Bumuo na ng komite ang pamahalaang Local ng Cauayan bilang paghahanda at pagiging punong abala sa nalalapit na Cagayan Valley Regional Athletic Association (CAVRAA) sa taong 2020.

Sa naging panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay City Councilor Gary Galutera, bahagi ito ng kanilang paghahanda sa gaganaping kompetisyon ng mga kalahok mula sa ibat-ibang paaralan sa Lambak ng Cagayan.


Nakapili na rin anya ng mga atleta na isasabak sa CAVRAA 2020 na ngayo’y kasalukuyang nag-eensayo.

Mas mainam na rin aniya kung matatapos na ang Sports Complex sa Lungsod upang magsilbing training ground ng mga atleta.

Kaugnay nito, nasa 70 porsiyento na ang natapos sa ginagawang Sports Complex sa Lungsod na inaasahang matatapos bago pumasok ang taong 2020.

Facebook Comments

From Advertisers