Gerald Bantag, tuluyan nang sinibak sa pwesto

Tuluyan nang inalis sa pwesto ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., si dating Bureau of Corrections (BuCor) Director General Gerald Bantag.

Ito ay matapos italaga ng pangulo bilang bagong pinuno o director general ng BuCor si General Gregorio Catapang Jr.

Si Catapang ay dating Officer-In-Charge lamang habang naka-suspinde si Bantag dahil sa mga kasong kinakaharap nito kaugnay ng mga anomalyang nadiskubre sa panahon ng kaniyang panunungkulan sa BuCor.


Ang appointment paper ni Catapang ay pirmado ni Pangulong Marcos sa petsang March 23, 2023.

Facebook Comments