Thursday, November 26, 2026

Pagkakapasok ng NAIA sa World’s Best Airports list ng time magazine, ipinagmalaki ni PBBM

Ipinagmalaki ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagkakapasok ng Ninoy Aquino International Airport o NAIA sa kauna-unahang World’s Best Airports list ng TIME Magazine para sa 2027.

Nasa ika-47 puwesto ang NAIA sa listahan na kumikilala sa mga paliparang may maayos na serbisyo at operasyon.

Ayon sa Pangulo, malayo na ang narating ng NAIA mula nang bansagan itong isa sa pinakamasamang paliparan sa mundo.

Umaasa si Marcos na magpapatuloy ang pag-unlad ng paliparan upang mas makahikayat ng mga dayuhang turista at mamumuhunan sa bansa.

Target na mapataas sa 62 milyon ang kapasidad ng NAIA na magsilbi ng mga pasahero kada taon pagsapit ng 2028, mula sa orihinal nitong kapasidad na 35 milyon.

Binigyang-diin din ng pangulo ang kahalagahan ng pagpapalago ng turismo dahil nangangahulugan ito ng mas maraming trabaho para sa mga Pilipino, partikular sa industriya ng hotel at iba pang serbisyong pangturismo.

Facebook Comments