Germany at Saudi Arabia, nangangailangan ng Pinoy nurses

Nangangailangan ngayon ang Germany na nasa 350 Pinoy nurses.

Ayon kay POEA Administrator Bernard Olalia – ito na ang pinakamalaking quota na ibinigay ng Germany sa Pilipinas simula 2013 dahil sa labor shortage ng nasabing bansa.

Aniya, ilan sa mga requirements na kailangan ay Filipino citizen, lisensiyado at dalawang taong may karanasan sa pagtatrabaho bilang nurse.


Kailangan rin nang B1 level sa German language proficiency pero kung sakaling wala, magkakaroon ng libreng language training sa Agosto at Setyembre.

Ang mga matatanggap ay sasahod ng nasa 2,000 euros o mahigit ₱116,000 na pwedeng umabot hanggang ₱140,000.

Maliban sa Germany, nangangailangan rin ng isang libong nurse ang Saudi Arabia.

Isang taong karanasan sa pagiging nurse ang kailangan at walang language proficiency requirement.

Ang matatanggap na sahod ay ₱60,000 kada buwan at siguradong magkakaroon ng dagdag na 4,000 kada taon.

Para makapag-apply sa dalawang bansa, kailangan munang magparehistro sa online registration ng POEA website at kumpletuhin ang mga kailangang requirements bago pumunta ng POEA.

Maaaring makita ang mga detalye tungkol dito sa website ng POEA at kung lehitimo at accredited ang isang agency.

Facebook Comments