GHOST EMPLOYEES | QC Councilor Roderick Paulate, nagpiyansa na sa Sandigabayan

Manila, Philippines – Naglagak na ng piyansa sa Sandiganbayan ang actor-turned-politician na si Quezon City Councilor Roderick Paulate.

Kaugnay ito ng isinampang graft at falsification cases laban sa kaniya ng Ombudsman, dahil sa umano ay pagha-hire ng 30 ghost employees noong 2010, kung saan umabot sa P1.1-million ang nakolekta nilang pera bilang pasahod.

P260, 000 ang piyansang inilagak ng konsehal habang nagbayad na rin ng P220, 000 ang kapwa-akusado niyang si Vicente Esquilon Bajamunde.


Gayunman, hindi pa naglalabas ng approval of the bail si Sandiganbayan 7th Division Chairperson Associate Justice Ma. Theresa dolores Gomez-Estoesta na nakasaad sa ilalim ng rule VI ng revised internal rules of the Sandiganbayan.

Facebook Comments