Ghost scholars ng CHED, sinita sa Senado

Sinita ni Senator Risa Hontiveros ang umano’y “ghost scholars” ng Commission on Higher Education (CHED).

Sa budget hearing para sa pondo ng mga State Universities and Colleges (SUCs) ay pinuna ni Hontiveros ang mga “ghost scholars” sa ilalim ng scholarship program ng CHED na mandato ng Universal Access to Quality Tertiary Education Act o Republic Act 10931.

Giit ng senadora, natuklasan ang katiwaliang ito matapos na makatanggap ng reklamo mula sa 400 mga mag-aaral na hanggang ngayon ay hindi pa rin nakakatanggap ng education subsidy.


Tinukoy pa ang reklamo na may mga “ghost scholars” na tumatanggap ng tuition reimbursement ng mga estudyante nagtapos na sa pag-aaral.

Binigyang-diin pa ng senadora na ito ay seryosong alegasyon na dapat silipin ng CHED.

Sinabi pa ni Hontiveros na ramdam din niya ang takot ng mga estudyanteng nag-email sa kanya ng mga reklamo dahil ayaw ipaalam ang kanilang pagkakakilanlan sa takot na mas lalong mawalan ng scholarship.

Facebook Comments