People’s plan, inilatag ng QC LGU para sa mga pamilyang tatamaan ng konstraksyon ng mga development project sa lungsod

109

Plantsado na ang plano para sa mga pamilyang maapektuhan ng konstraksyon ng North Luzon Expressway (NLEX) Segment 8.2.

Nagkasundo ang pamahalaang lungsod ng Quezon at National Housing Authority (NHA) na tiyakin ang paninirahan ng aabot sa 18,000 pamilyang tatamaan ng proyekto.

Tinawag itong People’s Plan ng Local Government Unit (LGU).


Kabilang sa maapektuhan ng proyekto ang Barangay Sauyo, Pasong Tamo, Culiat, Talipapa, Bagbag, Fairview, Matandang Balara, at Holy Spirit, sa Quezon City at Brgy. Ugong sa Valenzuela.

Ang NLEX C-5 North Link o Segment 8.2 ay planong expressway na magdudugtong ng C-5 Road at Commonwealth Avenue sa pamamagitan ng Mindanao Avenue.

Facebook Comments