Giant lego brick, bagong tourist attraction sa New York City

New York City – Tampok ngayon sa 60th anniversary ng toy company na lego ang binuo nilang giant lego brick.

May taas lang naman ito na sampung talampakan na gawa rin sa 133,000 na maliliit na lego bricks!

Inabot ng 350 hours ang mga tinawag nilang “master builders” bago tuluyang mabuo ang lego brick na may bigat na 1,200 pounds.


Binuo ang classic “2×4” lego brick sa mismong headquarters nito sa enfield, connecticut sa us.

Kasalukuyang naka-display sa flatiron district sa new york city ang giant lego brick na perfect para sa picture taking.

Facebook Comments