Mga Lupon sa RH 10 pinagkalooban ng bagong opisina

Pormal ng itinurn over ni Cotabato City RH 10 Chairperson Kombol Mamalangkay ang bagong gawang “Tanggapan ng Lupon Tagapamayapa” sa mga Lupon Leaders ng barangay.

Layun nito ay upang magkaroon ng sariling opisina ang mga Lupon at para magampanan ng mga ito ng maayos ang kanilang mga tungkulin.

Nararapat rin aniyang bigyang ng karampatang pagkilala ang mga inisyatiba ng mga lupon na naging instrumento ng kapayapaan sa barangay dagdag ni Kap. Mamalangkay . Isa ang Baranggay RH 10 sa may pinakamalawak na area sa syudad.


Isinabay ang turn over sa ika 62nd na kaarawan ni kapitan na isinagawa sa compound ng barangay na dinaluhan ng libo libong residente.

Naging masaya rin ang okasyon sa ipinamigay na paraffle ni Kapitan Kombol na kinabibilangan ng motorsiklo at mga appliances.

Facebook Comments