Ibinida ni dating defense Secretary Gibo Teodoro ang ‘seven pillars’ na kaniyang itutulak sa senado para sa pagbangon ng bansa mula sa COVID-19 pandemic.
Una, nais ni Gibo na palawakin pa ang pagbabakuna upang matiyak na magkakaroon ng access ang lahat ng mga Pilipino sa harap ng banta ng mga panibagong surge at COVID-19 variants.
Nais din ng dating kongresista na pataasin ang kalidad ng edukasyon sa pamamagitan ng pagpapatupad ng reporma sa curriculum, pagpapataas sa sweldo ng mga guro at pagbawas sa kanilang workloads.
Palalakasin din ni Gibo ang pagtutulungan ng public at private sectors upang mabigyan ang maraming pilipino ng trabaho sa pamamagitan ng mga proyektong pang-imprastraktura.
Bukod diyan, nais palakasin ni Gibo ang mga programa para sa mga militar at pulis, itulak ang pagpapabuti sa phisycal at digital connectivity, at masigurong walang Pilipinong makakaranas ng gutom sa pamamagitan ng pagpapataas ng produksyon ng agrikultura sa bansa