Sports development sa bansa, tiyak na susuportahan ni Gen. Eleazar

Tiniyak ni dating PNP Chief at senatorial candidate Gen. Guillermo Eleazar na susuportahan niya ang sports development sa bansa na layong makalikha pa ng mga world class na mga Pilipinong atleta.

Ayon kay Eleazar, naniniwala siyang simbolo ng disiplina, sipag, tyaga at karangalan ang sports para sa ating mga kabataan.

Kasunod nito, sinabi ni Eleazar na nais niyang masiguro na magagamit ng mga Pilipino ang National Academy of Sports (NAS) na naitatag noong Hunyo 2020 sa New Clark City sa Capas, Tarlac.


Noong nakaraang taon, nagsimula nang maghanap ang NAS ng mga student athletes na bibigyan ng scholarship program.

Nangangamba naman si Eleazar na ang kakulangan ng suporta mula sa pamahalaan ang posibleng magdulot ng paglisan ng mga magigiting na atleta sa hinaharap.

Facebook Comments