Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang sabay sabay na gift giving sa 40 lugar sa bansa.
Ang gift giving ay tinawag na “Balik Sigla, Bigay Saya” may kaugnayan na sa pagdiriwang ng yuletide season.
Kahapon isinagawa ang gift giving sa Malacañang grounds sa pangunguna ng pangulo at First Lady Louise Araneta-Marcos.
Kung saan daan-daang mga kabataan na nakatira sa Malacañang complex sa San Miguel, Manila ang nabigyan ng regalo.
Bago ang pamimigay ng regalo, kinantahan ng mga kabataan ang pangulo at unang ginang nang classic Christmas carol na, “Oh, Holy Night.”
Sa talumpati naman ng pangulo, sinabi nito na masaya syang makitang may mga bata sa Palasyo dahil ang Christmas ay para sa mga kabataan.
Sinabi pa ng presidente na ginagawa ng pamahalaan ang gift giving para makatiyak na kahit saan sa Pilipinas ay nagawan natin ng paraan para mabigyan ng Pasko ang mga kabataan.
Katuwang ng Office of the President (OP) sa ginawang sabay sabay na gift giving kahapon ay Department of Health (DOH), Department of Social Welfare and Development (DSWD), Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) at ang Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR).