Mga nasa likod ng pagpatay sa 2 Pulis Pampanga, nasakote na ng mga otoridad

Kinumpirma ni Phlippine National Police (PNP) Chief Police General Rodolfo Azurin Jr., na hawak na nila ang 3 suspek na nasa likod ng pagpatay sa 2 pulis na nakatalaga sa Mabalacat, Pampanga.

Kinilala ni Azurin ang mga ito na sina Jun Jun Baluyut, Aries Bagsic at Leslie Placiente.

Ang mga ito ay naaresto ng mga otoridad matapos ang ikinasa nilang follow up operations sa South Daang Bakal Road, Brgy. Dau, Mabalacat City, Pampanga.


Matatandaang kamakailan, habang sakay ng motorsiklo sina Police Senior Master Sergeant Sofronio Capitle Jr., at Police Staff Sergeant Dominador Gacusan Jr., patungo sa kanilang anti-illegal drugs operations nang pagbabarilin sila ng mga suspek dahilan nang agaran nilang pagkamatay.

Sa ngayon, nahaharap ang mga suspek sa patong patong na reklamo.

Samantala, nangako naman ang PNP chief na pabibilisin ang proseso upang agad na makuha ng mga naulilang kamag-anak ang benepisyo ng yumaong mga alagad ng batas.



Facebook Comments