Gift Packs, 105 Wheelchairs Ipapamigay ng Citizen’s Crime Watch Ngayong Araw

Hindi bababa sa 105 Wheelchairs ang ipapamigay ng CCW sa mga enlisted beneficiaries galing sa Naga City at iba’t-ibang bayan ng Camarines Sur, mamyang hapon, December 20, 2017 ganap na alas 2.
May surprise gifts din na ipamimigay para sa mga “early birds.”
Ito ang 3rd batch ng distribution dagdag pa sa unang 30 wheelchairs na una nang naipamahagi ng libre nitong nakaraang mga buwan.

Ang mga beneficiaries ay na-identify sa pamamagitan ng RMN DWNX bilang official radio partner ng CCW sa bahaging ito ng Kabikolan.

Pangunahing panauhin sa programa sina BM Carlo Batalla, CCW Secretary General at founding chairman Atty. Jose Malvar Villegas, Jr.


Makakasama natin sina RadyoMaN Grace Inocentes at RadyoMaN Mike Marfega ng RMN DWNX 91.1 FM at 1611 AM bilang mga facilitators sa simpleng programa na gaganapin sa SM City Naga event center.
Makikita sa mga photos si Cjay at iba pang 1st batch beneficiaries ng project na ito, gayundin sina BM Carlo Batalla at Atty. Jose Malvar Villegas. Jr.



Facebook Comments