Manila, Philippines – Tiniyak ng National Economic and Development Authority (NEDA) na makakaranas na ng ginhawa ang mga residente ng metro manila sa problema sa trapiko.
Paliwanag ni Socioeconomic Planning Sec. Ernesto Pernia, matatapos na ngayong taon ang ilang major road projects.
Kabilang sa mga ito ay ang mga bypass road tulad ng C-3 at Harbor Link Road na magbibigay ng deretsong biyahe mula Port Area, Maynila at North Luzon Expressway.
Dagdag naman ni Department of Public Works and Highways Sec. Mark Villar – na 12 tulay na tatawid ng Pasig River ang itatayo ngayong taon.
Bukod dito, pinapaganda na rin ang mass transport system tulad ng Philippine National Railway South Commuter Line (mula Tutuban, Maynila hanggang Los Baños, Laguna) at ang Mega Manila Subway.
GIGINHAWA | Problema sa trapiko sa Metro Manila, unti-unting nareresolba dahil makukumpleto na ngayong taon ang ilang major road projects
Facebook Comments