KAKAIBA | Isang 14-anyos na binatilyo sa Indonesia, nagluluwal ng itlog

Panghimagas | Sa Indonesia, hindi pa rin makapaniwala ang mga doktor sa kaso ng 14-anyos na binatilyo na nangingitlog.
Nabatid na labas pasok na sa ospital ang binatilyong si Akmal dahil sa kakaiba nitong kaso kung saan aabot na sa 20 itlog ang inilalabas nito sa loob ng dalawang taon.
Sa huli nitong pagbisita sa ospital, nagulat ang mga doktor ng makitang nagluwal ito ng itlog sa kaniyang puwet.
Hinala ng mga doktor na baka sinadyang ipasok ito sa kaniyang puwet pero mariin naman itong itinanggi ng tatay ng bata na nakilalang si Rusli.
At para mapatunayan, isinailalim sa X-ray si Akmal at muli na naman na-shock ang mga doktor ng makita sa monitor na may isa pang itlog na nasa loob ng kaniyang katawan.

Facebook Comments