Gilas Headcoach Chot Reyes, aminadong marami pang kulang at dapat gawin para palakasin ang national team

Manila, Philippines – Aminado si National Headcoach Chot Reyes na hirap pa rin makuha ng Gilas Pilipinas 5.0 ang tina-target na level bilang paghahanda sa SEABA championship kahit araw-araw na ang kanilang practice.

Ayon kay Reyes, may iba’t-ibang schedule ang bawat players ng Gilas pool kaya’t hindi nila mapag-aralan ang rhythm ng national team.

Ikinatuwa naman ni Reyes ang pag-step up ng mga cadet players tulad ni Ed Daquioag ng Meralco na malaki daw ang ginawang improvement mula ng simulan ang practice ng Gilas.


Sa ngayon, hihintayin na lamang matapos ni Reyes ang kasalukuyang conference ng PBA para makumpleto ang Gilas pool para sama-samang mag-practice at makuha ang chemistry ng bawat isa.

Facebook Comments