Gilas, nasa Spain na para sa paghahanda sa FIBA World Cup

Photo Courtesy: Tiebreaker Times//Joaqui Flores

Nasa Spain na ang Gilas Pilipinas para sa kanilang walong araw na training camp bilang paghahanda sa 2019 FIBA World Cup na gaganapin sa China.

Ayon kay head coach Yeng Guiao – ito ang pinakamahalagang yugto ng kanilang paghahanda at mas makakapag-focus sila sa kailangan nilang sistema para sa koponan.

Makakaharap ng Gilas Pilipinas ang Congo at Ivory Coast sa exhibition matches bago ang gagawing pocket tournament.


Umalis nitong linggo ng umaga ang 11 manlalaro na kinabibilangan nina Japeth Aguilar, Mark Barroca, Beau Belga, Andray Blatche, Robert Bolick, Poy Erram, Paul Lee, Gabe Norwood at CJ Perez.

Kinumpirma naman ni Senator Bong Go ang personal na panonood nina Pangulong Rodrigo Duterte at Chinese President Xi Jinping sa world cup.

Facebook Comments