Gilas, “no hard feelings” sa sinabi ni PRRD

Binalewala lamang ng Gilas Pilipinas ang pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi mananalo ang koponan sa 2019 FIBA World Cup.

Para kay coach Yeng Guiao – isang hamon ito sa kanila para lalo pang pagbutihin ang kanilang laro.

Iginiit din niya na hindi madali ang magiging laban nila kontra Angola.


Maliban dito, naka-focus din sila sa nakatakdang laban nito kontra Italy at Serbia.

Tutungo ang Gilas pa Malaga, Spain para sa pocket tournament.

Facebook Comments