Gilas Pilipinas at South Korea, maghaharap bukas sa FIBA Asia Cup

Sports – Makakaharap ng Gilas Pilipinas sa quarterfinals ng 2017 FIBA Asia Cup ang South Korea.
Ito’y matapos talunin ng South Korea ang Japan sa score na 81-68.
Gaganapin ang nasabing laban sa Miyerkules kung saan pipilitin naman ng Fil-German na si Christian Standhardinger na makalaro matapos na magkaroon ng injury kaya’t hindi ito sumabak sa laban sa panalo ng gilas laban sa Qatar.
Sakaling magtagumpay ang Gilas ay makakaharap nito sa semifinals ang sinumang manalo sa pagitan ng Lebanon at Chinese Taipei bukas.

Facebook Comments