Halos 200 tao, patay sa pagbaha sa India

World – Umakyat na sa halos dalawang daan ang patay sa flash floods at landslides sa India, Nepal at Bangladesh bunsod ng walang tigil na ulan dulot ng habagat.
Pinakamarami ang naitalang nasawi sa Nepal na tinatayang nasa walumpu habang nasa 215,000 tao ang nagsilikas sa Assam at Bihar States, India.
Sinuspinde naman ang biyahe ng lahat ng tren sa mga naturang lugar dahil lubog sa baha ang mga riles.
Aabot sa 50,000 kabahayan ang lubog sa tubig sa mga mababang lugar sa Southeastern Nepal kung saan patuloy ang search and rescue at humanitarian operations sa mga nasabing bansa.

Facebook Comments