GILAS PILIPINAS | Baser Amer, kinuha ni Coach Chot Reyes bilang pamalit kay Kiefer Ravena

Manila, Philippines – Kinuha ngayon ni Gilas Pilipinas Coach Chot Reyes si Baser Amer bilang kapalit ni Kiefer Ravena sa national pool.

Ayon kay Reyes, kailangan ang experience ni Amer na kayang tapatan ang abilidad ni Kiefer na una nang sinuspindi ng 18 buwan ng FIBA dahil sa doping ban.

Kagabi ay sumabak na sa practice si Amer kung saan nakasaman nito sina Jayson Castro, June Mar Fajardo, Gabe Norwood, Japeth Aguilar, Allein Maliksi, Mac Belo, Matthew Wright, at Jio Jalalon.


Present din sina Terrence Romeo, Roger Pogoy at Troy Rosario pero pinagpahinga muna sila para sapaghahanda ng Philippine team sa 2018 FIBA 3×3 World Cup.

Facebook Comments