PBA | Coach Chot Reyes, umaasang nasa 100% condition na si Andray Blatche sa pagbalik nito sa Pilipinas

Manila, Philippines – Aminado si Gilas Pilipinas Coach Chot Reyes na hindi na siya umaasa na maagang makakabalik ng bansa si Naturalized Player Andray Blatche.

Nabatid kasi na sinabi ni Blatche na June 9 siya darating ng Pilipinas para sumabak sa ensayo ng Gilas para sa third window ng 2019 FIBA Wolrd Cup Qualifers.

Ayon kay Coach Chot, posibleng maantala ang pagbabalik ni Blatche dahil kasalukuyan daw itong sumasabak sa matinding ensayo sa Atlanta matapos na hindi makuntento sa ipinakita niyang performance sa first two qualifying windows.


Umaasa naman si Reyes na nasa 100 percent condition na si Blatche pagdating sa bansa para muling makasabay sa run and gun plays ng Gilas Pilipinas.

Facebook Comments